Ipinako ba si Hesus sa Krus?
Ang mga Kristiyanong naniniwala sa banal na trinidad ay naniniwala na si Hesus ay ang Diyos
Mismo, o bahagi ng Diyos, na naparito sa
mundo, at ipinako sa krus upang linisin ang ating mga kasalanan at pagkatapos ay nabuhay muli at umakyat sa kalangitan hanggang sa oras na muli siyang babalik sa mundo.
Naniniwala ang mga Muslim na si Hesus ay hindi namatay sa krus.Niligtas siya ng Allah, at may ibang ipinako sa krus bilang kahalili niya. Ang Qur’an ay nagsasaad: “Na kanilang sinabi (sa pagmamalaki), ‘Aming pinatay si Kristo Hesus na anak ni Maria, ang Sugo ng Allah’; ngunit hindi nila siya pinatay o ipinako sa krus, ngunit ipinakita sa kanila na tila ganito ang nangyari, at ang mga nagtatalo ukol doon ay puno ng mga pag-aalinlangan, na walang (tiyak) na kaalaman, kungdi haka-haka lamang na kasunod, sapagka’t may katiyakang hindi nila siya pinatay : sa halip, itinaas siya ng Allah sa Kanyang Sarili; at ang Allah ay Kataas-taasan sa Kapangyarihan at Marunong.” (Qur’an, 4/157-158).
Mayroong pagkakaiba ng opinyon tungkol sa eksaktong interpretasyon ng bahaging ito ng bersikulo: “Hindi nila (mga Hudyo) pinatay si Hesus, ngunit itinaas siya ng Allah sa Kanyang Sarili.” Ang ilan ay naniniwala na si Hesus ay hindi nakaranas ng karaniwang kamatayan ng tao at nabubuhay pa rin sa katawang-tao sa kalangitan. Ito ang pananaw na tinatanggap ng nakakaraming Muslim. Ang iba ay naniniwala na siya ay namatay, ngunit hindi sa krus, at ang “itinaas” sa Allah ay nangangahulugan na inilgtas siya ng Allah mula sa mga kamay ng mga taong gustong pumatay sa kanya.
5