Moske

Ang moske, sa pinakapangunahing anyo  nito, ay isang malinis na lugar na itinalaga  para sa pagdarasal. Ang mga moske sa  buong mundo ay nagkaroon ng iba’t ibang  anyo ng arkitektura na sumasalamin sa mga  lokal na kultura. Ito’y makikita mula sa  mga hiwalay na pabilyon sa Tsina at mga  detalyadong patyo sa India hanggang sa malalaking simboryo o domes sa Turkiya at mga  istrukturang salamin at bakal sa Estados Unidos. 
Habang naglalakad ka sa isang moske,  maaaring humanga ka sa arkitektura at  sa kaligrapikong dekorasyon na batay sa  eskriptong Arabo o sa  ilaw at sa kalawakan  ng lugar na ito kung  saan nagtitipon ang  mga Muslim sa loob ng maraming siglo  para sa limang araw-araw na pagdarasal at iba pang mga serbisyong panrelihiyon. Ang  pagdarasal sa Biyernes, na opsyonal  para sa kababaihan at obligado para sa kalalakihan na isinasagawa sa moske, ay isang  lingguhang pagdarasal ng kongregasyon na  kinabibilangan ng isang sermon (khutbah)  ng imam na tumutugon sa mga isyung panlipunan gayundin ang pagdi-direkta sa mga Muslim sa mabuting buhay.  Ang imam, halimbawa, ay binibigkas ang  sumusunod na bersikulo mula sa Qur’an sa  pagtatapos ng bawat sermon: “Katiyakang  ipinag-uutos ng Allah ang paggawa ng  katarungan at ang paggawa ng kabutihan (sa  iba) at ang pagbibigay sa mga kamag-anak,  at ipinagbabawal Niya ang kahalayan at  kasamaan at paghihimagsik; Pinapayuhan Niya kayo upang kayo’y maging maingat.” (Qur’an  16/90) 
Sa Islam, hindi kinakailangang nasa moske  para magdasal dahil ang Diyos ay hindi  nakakulong sa isang gusali, gaya ng sinabi  ni Propeta Muhammad (s.a.w.), “Ang buong mundo  ay isang moske.” Dahil dito, ang isang  tradisyunal na moske ay binubuo ng  isang gusali na may simboryo o dome at isang  minaret kung saan isinasagawa ang panawagan  sa pagdarasal (adhan). Walang altar, isang simpleng  espasyo lamang para magdasal nang sama-sama at kadalasan ay may mihrab (niche) upang  
ipaalam ang direksyon ng Makkah kung  saan nakaharap ang mga Muslim para sa  kanilang mga pagdarasal.

5