Namatay ba si Hesus para sa Ating Mga Kasalanan?
Karamihan sa mga sekta ng Kristiyano ay may paniniwala na ang kasalanan nina Adan at Eba na pagsuway sa Diyos ay naipapasa sa kanilang mga inapo at sa gayon ang buong sangkatauhan ay isinumpa sa Orihinal na Kasalanan, kung saan walang kaligtasan ang posible maliban kung ang isang tao ay naniniwala sa pagbabayad-salang kamatayan sa krus ng Anak ng Diyos.
Naniniwala ang mga Muslim na si Hesus ay hindi namatay para sa paglilinis ng ating mga kasalanan at para sa ating kapatawaran. Kabaligtaran sa Kristiyanong katuruan na ang kalikasan ng tao ay karaniwang masama (dahil sa orihinal na kasalanan), itinuturo ng Islam na ang lahat ng tao ay ipinanganak na inosente at sila’y nagiging makasalanan lamang kapag sinasadya nilang gumawa ng kasalanan. Samakatuwid, walang orihinal na kasalanan sa Islam.
Ang Islamikong konsepto ng kasalanan ay nakabatay sa paniniwalang ang kasalanan ng isang tao ay hindi maaaring ilipat sa iba; ni ang mga gantimpala ng mabubuting gawa. Ang bawat indibidwal ay may pananagutan lamang sa kanyang mga sariling gawain, sapagkat ang Diyos ay hindi kailanman di-makatarungan. Nililinaw ng Qur’an (17/15) na ang bawat indibidwal ay isang malayang tao na siyang tanging may pananagutan sa kanyang mga sariling gawain. Hindi kailangan ng kaligtasan mula sa (orihinal na) kasalanan, dahil walang orihinal na pasanin.
6