Repormasyon ng Kanyang Lipunan

Ang Propeta Muhammad (s.a.w.) ay nagdulot ng maraming pagbabago sa kanyang lipunan: 
Siya ang tagapagtanggol ng pantay na karapatan ng kababaihan; inalis niya ang “pagmamay-ari” ng lalaki sa babae. Itinatag niya ang karapatan ng kababaihan na magkaroon ng ari-arian gayundin ang kanilang karapatan sa mana. Ipinagtanggol niya ang karapatan ng kababaihan na pumili o tanggihan ang isang lalaki para sa pag-aasawa. 
Siya ay naging tagapagtanggol ng mga ulila; itinatag niya ang tamang pakikitungo sa kanila. Isang karaniwang kasabihan niya ay, “Ang pinakamagandang tahanan ay isang tahanan kung saan ang isang ulila ay pinakikitunguhan nang mabuti, at ang pinakamasamang tahanan ay isang tahanan kung saan ang isang ulila ay minamaltrato.” Ipinagbawal niya ang maling paggamit ng mana ng ulila, na tinitiyak na matatanggap nila ang nararapat sa kanila kapag sila ay sumapit na sa wastong edad.
Siya ay isang taong nangangalaga sa kalikasan. Halimbawa, nakasanayan na niyang magtalaga ng isang tao mula sa kanyang mga kasamahan na kunin ang lahat ng basura sa mga lugar kung saan sila nag-kampo kapag sila ay naglalakbay. 
Ipinagbawal niya ang labis na karga ng anumang hayop. Inirekomenda niya ang mahabaging pakikitungo para sa lahat ng mga hayop.
Tinuruan niya ang kanyang mga tagasunod na mahalin at igalang ang kalikasan sa kanilang paligid at inutusan ang kanyang mga tagasunod na magtanim ng mga puno kahit sa Araw ng Paghuhukom. Ipinagbawal niya ang pagsira sa kalikasan, lalo na sa mga puno, kahit na sa panahon ng digmaan.
Nag-alala siya sa kalusugan ng lipunan. Tumulong siyang alisin ang paggamit ng alak, mga nakalalasing na bagay, pang-aalipin, at pagsusugal.

3