Si Hesus ba ay isang Diyos o ang Anak ng Diyos?

Hindi itinuturing ng mga Muslim si Hesus bilang Anak ng Diyos o Diyos, ngunit itinuturing siya bilang isang ordinaryong tao na, tulad ng ibang mga propeta, ay banal na pinili upang ipalaganap ang mensahe ng Allah sa kanyang komunidad, ang mga tao ng Israel. Ipinagbabawal ng Islam ang pagtatambal sa Diyos, na binibigyang diin ang konsepto ng banal na kaisahan ng Diyos. Ipinahayag ng Qur’an: “Walang katulad sa Kanya.” (Qur’an, 42/11); at, “Hindi siya nagkaanak, ni hindi rin siya ipinanganak.” (Qur’an, 112/3). 

4