Ang Kanyang mga Moral ng Katangian
Siya ay mapagpakumbaba, at hindi kailanman nagsasambit ng mga masasamang salita. Kapag siya’y nasa presensya ng kahalayan, umaalis siya at sinasaway ito. Hindi siya kailanman nagtaas ng kanyang boses o tumugon sa pamamagitan ng masamang gawain sa isang masamang gawaing isinagawa sa kanya. Siya ay laging nagpapaumanhin at mapagpatawad. Hindi siya kailanman naghiganti sa sinumang umapi sa kanya. Hindi niya kailanman nilabag ang alinman sa mga kautusan ng Allah. Kapag nahaharap sa dalawang pagpipilian, pinili niya palagi ang mas madali basta hindi ito sumasalungat sa mga ipinag-uutos ng Allah. Napaka-mapagpakumbaba niyang tao na tumutulong siya sa pagluluto at paglilinis ng bahay. Nagsalita lang siya tungkol sa bagay na may kinalaman sa kanya. Mabuti siyang nakitungo sa mga tao at napapagaan niya ang kanilang kalooban tuwing kasama siya. Siya ay mapagbigay sa kung anumang mayroon siya. Napakabalanse niya sa kanyang pagkatao. Kung may kasama siya, hinding hindi siya umaalis bago siya lisanin ng bisita niya. Kung may nagpahirap sa kanya, mapagpasensiya siya sa kanila. Kaya lahat ay masaya na kasama siya. Siya ay napaka-mapagmahal, hindi kailanman malupit o sakim. Siya ay hindi kailanman tumanggap ng papuri maliban sa kung ano ang makatwiran.
2