Ano ang pinaniniwalaan ng mga Muslim?

1. Isang Diyos: Ang mga Muslim ay naniniwala sa  Nag-iisa, Natatangi, Walang Katumbas, Maawaing  Diyos, ang Nag-iisang Lumikha, Tagapagtaguyod  at Tagapag-ingat ng Sansinukob. Mas gusto ng mga  Muslim na gamitin ang salitang Arabo para sa  Diyos, “Allah”, dahil wala itong terminolohiya na pang-marami,  pambabae o pang-maliit na maaaring iugnay sa  idolatriya (halimbawa, mga diyos, diyosa o mga kalahating diyos). 
2. Ang mga Anghel: Naniniwala ang mga Muslim  na nilikha ng Allah ang mga anghel na hindi sila  makakagawa ng mga kasalanan at wala silang  kasarian. 
3. Ang mga Propeta: Sa paniniwalang ipinadala ng  Allah ang Kanyang mga sugo at mga propeta sa lahat ng tao, tapat na tinatanggap ng mga Muslim ang mga propeta sa Bibliya,  na binanggit din sa Qur’an, kabilang sina  Adan, Ismael, Isaac, Moises, David, at Hesus  (sumakanila nawa ang kapayapaan). Ang lahat ng mga propeta ay  mga taong katulad natin na, bilang mga  piniling halimbawa para sa kani-kanilang mga  komunidad, ay hindi nakagawa ng mabigat na  kasalanan. Tinatanggap ng mga Muslim si Hesus bilang isang propeta, naniniwala  sa kanyang birhen na kapanganakan, at  lubos na gumagalang sa kanya. Ang kanyang  pangalan (Isa) ay binanggit sa Qur’an nang halos  isang daang beses.  
4. Ang mga Aklat: Ang paniniwala sa mga  Banal na Aklat ng Allah na ipinadala bago ang Quran at sa Quran bilang mga huling salita mula sa Allah ay isang haligi  ng pananampalatayang Islam. Ang  Qur’an ay ipinahayag sa huling propeta, si  Muhammad (s.a.w.), sa pamamagitan ng Arkanghel  Gabriel. Kınumpirma at kınumpleto nito ang lahat ng mga naunang rebelasyong  ipinadala sa sangkatauhan sa pamamagitan  ng mga sugo ng Allah. Ang Qur’an ay isang  himala sa maraming paraan kabilang na (ang katotohanang) ang mga kahulugan nito ay naaangkop pa rin  sa makabagong panahon .  
5. Kapalaran at Banal na Atas: Ang isang  Muslim ay naniniwala sa al-qadr o banal na kapalaran,  na nauugnay sa sukdulang kapangyarihan ng Allah. Ito’y nangangahulugan na ang Allah ang May Alam ng lahat, Makapangyarihan at Nasa Lahat ng Dako. Siya ay may kaalaman at  kapangyarihan upang maisakatuparan ang  Kanyang mga plano. Hindi ang Allah walang  malasakit sa mundong ito. Ang Allah ang  Marunong, Makatarungan, at Mapagmahal,  at anuman ang Kanyang ginagawa ay may  karunungan kahit na minsan ay hindi natin  ito lubos na nauunawaan.
6. Muling Pagkabuhay: Ipinapaliwanag  ng sumusunod na bersikulo ang kahalagahan  ng paniniwala sa mga alituntunin ng pananampalataya kabilang ang Huling Araw: 
“Ang pagiging matuwid ay hindi ang pagharap ninyo sa silangan o sa kanluran, bagkus ang [tunay na] pagiging matuwid ay [nasa] isang naniniwala sa Allah, sa Huling Araw, sa mga anghel, sa Aklat at sa mga propeta; at nagbibigay ng kayamanan sa mga kamag-anak, ulila, nangangailangan, manlalakbay, sa mga humihingi [ng tulong], at sa pagpapalaya ng mga alipin, sa kabila ng pagmamahal sa yaman nito; [at yaong] nananalangin at nagbibigay ng zakat; [yaong] tumutupad sa kanilang pangako kapag sila ay nangako; at [yaong] matiyaga sa kahirapan, suliranin at sa panahon ng labanan.  Sila ang Yaong mga naging totoo, at sila ang yaong mga matuwid. (Surat Al-Baqarah, 2/177)

2