Ang Huling Sermon ng Huling Propeta Muhammad (s.a.w. ) sa Sangkatauhan (Khutbat- ul Wada) pamplet


buod

Ang brosyur na ito ay tungkol sa “Huling Sermon” (Khutbatul Wada), ang huling talumpati ni Propeta Muhammad (saw) sa Makkah na tinugun sa lahat ng Muslim sa mundo. Ang talumpating ito ay isang deklarasyon ng karapatang pantao na kinabibilangan ng mga pangunahing karapatan at kalayaan na may kinalaman sa lahat ng tao sa mundo. Sa sermon na ito, na isang buod ng Islam, ang mga probisyon tulad ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao anuman ang lahi, kulay at uri, hindi masupil na pag-aari at buhay, pagwawakas ng mga away sa dugo, pag-aalis ng interes, pagiging tapat sa mga anumang ipinagkakatiwala at mga utang, pagbabawal sa pangangalunya, at ang paggalang sa mga karapatan ng kababaihan ay ipinahayag din.

Ang Huling Sermon ng Huling Propeta Muhammad (s.a.w. ) sa Sangkatauhan (Khutbat- ul Wada)

Noong malapit nang matapos ang kanyang maikling buhay, ang huling propeta (s.a.w.) ay naglakbay patungong Makkah, kasama ang marami sa kanyang mga kasamahan, upang magsagawa ng paglalakbay sa sagradong lugar (hajj), isa sa limang haligi ng Islam. Sa bundok ng Arafat, noong Marso 8, 632, siya ay nagbigay ng sermon sa humigit-kumulang 124,000 na Muslim. Ito ang tanyag na huling sermon (Khutbat-ul Wada) na ibinigay ng Propeta; ito ay lubos na katulad ng isang pangkalahatang deklarasyon ng mga karapatang pantao na gagabay sa sangkatauhan hanggang sa araw ng paghuhukom. 

1