Mga himala ni Hesus

Binigyan si Jesus ng kakayahang gumawa ng mga himala upang tulungan siya sa kanyang pakay, lahat sa pahintulot ng Diyos. “Ako ay naparito sa inyo na may isang tanda mula sa inyong Panginoon: Ako ay gagawa para sa inyo mula sa putik ng hugis ibon at hihingahan ko ito at ito ay magiging ibon sa pahintulot ng Allah. Ako ay gagamot sa bulag, sa may ketong at bubuhayin ko ang patay, sa pahintulot ng Allah. Ipaaalam ko sa inyo kung ano ang inyong kinakain at itinatago sa inyong mga bahay. Tunay may tanda mula rito para sa inyo kung kayo ay mananampalataya. Ako ay isinugo upang patotohanan ang Torah na nauna sa akin at upang pahintulutan para sa inyo ang
ilang ipinagbawal (dati) sa inyo. Ako ay naparito sa inyo na may isang tanda mula sa inyong Panginoon. Kaya katakutan ang Panginoon, at sundin ako. Tunay na si Allah ang aking Panginoon at inyong Panginoon kaya sambahin ninyo Siya. Ito ang landas na matuwid.” (Qur’an, 3/49-51)

3